Wednesday, October 5, 2011

Sining ng aking pangalan


Wag kang KSP! :/

Kadalasan ang bibig ko ay hindi matahimik
Na halos walang katapusan sa pagkukwento ng kung anik-anik
Hindi ko man pansin ang sinasabi ng iba
Wala akong pakialam sa masasamang sinasabi nila

Espesyal kung ako’y ituring
Ng mga taong nakaiintindi sa akin
Paiba iba man minsan ang aking ugali
Yan ako, yan aking masasabi

Vhezt ang karaniwang tawag sa akin
Dahil lahat ng aking kaibigan, matalik kung aking ituring
Gayundin naman ang aking mga kaaway
Ba lalong nagbibigay kahulugan sa aking buhay

Iba-iba man ang pananaw natin sa ibang tao
Para saan pa ang pagkakakilanlan kuno?
Kung sa una pa lamang na pagkakataon, ika’y hinuhusgahan
Ng mga taong walang moral at may mababang pinag aralan

Naging tanyag man ang aking pangalan
Alam kong may sarili pa rin akong pagkakakilanlan
Na nagiging tatak ko san man ako dalhin
Ay mayroon at mayroon pa ring sasambit ng ngalang Kevin.




Si crush :)


Makapal ang buhok niya, kaso dati yun, nagpasemi-kalbo na siya ngayon, medyo maliit sa akin pero ayos lang, hnidi problema ang laki! Matipino ang katawan siyempre, pipili ba ko ng mas payat pa sa’kin, at ang mga binti at hita, parang pang sumo sa laki, dahiln ng kanyang pag bububhay sa gym. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa sobrang kabaitan niya, may kakaibang personalidad na buko tangi sa lahat at hindi maarte na kapag nalamang may nagkatipo sa kaniya ay magyayabang na. ‘yan si crush.
                Normal lang naman sa ating mga nilalang ang magkaroon ng hinahangaan, suablit ako mismo minsan ay nahihirapang tantyahin kung talagang hinahangaan ko lang ba talaga ang isang tao o minamahal ko na ba  siya. Dahil kapag sinabing crush para akin, ibig sabihin ay may nakita kang bagay o kakaiba na talaga naming pumukaw ng iyong pansin, na sa tuwing nakikita mo siya ay natutuwa ka  dahil yun ang kagustuhan mo, sa matangos niyang ilong, mapungay na mata, nangungusap na labi at kutis na hindi man kaputian subalit pantay lamang.
                Sa mga pagkakataong nalulungkot ako, siya na lamang ang iniisip ko, ginaganahan pa ako. May mga oras ding nagkakateks kami. Subalit limitado lamang. Kasi iskolar siya, kailangan niyang mag-aral ng mabuti at naiintindihan ko naman dahil ako din naman ay ganun din. Sapat na ang dahilang iyon para sa aking katahimikan, upang hindi ko siya kulitin o maya’t mayain.
                Tanggap ko naman kung ano ako at kung saan  ako dapat tumayo. Unang una sa lahat, lalaki ako, lalaki din siya, kaya alam ko kung hanggang saan lang ang relasyon naming at kung ano man ako sa kanya ngayon. Marahil umaasa pa din ako dahil maaring hinahanap ko yung kalinga ta pagmamahal ng dating mga nakarelasyon ko. Opo, nagkaroon na ako ng karelasyon, masarap sa pakiramdam na nakuha mo siya lalo’t nung una’y crush na crush mo talaga sila, subalit parang nung bandang huli’y napagtanto kong hindi pala pagmamahal ang hinahanap ko sa isang lalakli, kundi ang marubdob na pagsesryoso niya sa akin bilang isang bading at pagmamahal ng hindi sasagad sa relasyong intelektwal.
                Siguro’y hindi ko na sasabihin ang pangalan ng taong hinahangaan ko, tamana yung nakikita ko siya at Masaya na ako doon, ayaw ko na kasing umasa saw ala at mag mukhang tanga. Masakit isiping hindi natin maabot yung mga bagay na nais natin, kaya minsan, iniisip ko na lamang na may dahilan SIYA para hindi mapasaakin ang taong hinihiling ko, maaring inihahanda niya ang asking puso para mag mahal ng lubusan sa atamang taong pagbubuhusan ko nito. Hindi ko naman din kailangang magmadali, may mga nakalaan para sa atin kaya ang dapat na lamang nating gawin ay… maghintay.
               

Liham ko para kay Ginoong Jayson-Vilanueva-Sobrevilla


                Maraming bagay ang pwede nating maibigay sa mga taong nagging mabuti sa atin. Na siya ang nagging inspirasyon natin at nagturo sa atin para marating ang rurok ng ating tagumpay. Hnidi man siya magiging permanente na ating makakasalamuha sa pang araw-araw, subalit nagkakaroon na sila ng puwang na tila nakakintal na ating puso’t alaala. Hindi mo man sila gaanong kasundo sa bandang una, pero makikita mo ang tunay na pagkataong nakapaloob sa kanya, kung siya bay a mabuting tao o magaling lang magtakip ng mascara.
                Ikaw po sir, una sa lahat, may magkaparehong katangian meron tayo, alam niyo na po kung ano yun. Kaya naman hindi na ko naalangang makahulihan kayo ng loob sa loob ng isang semestre, dahil kung  tutuusin, sa uri ng karakter na tinataglay ninyo, hindi na malabong marami kayong napapasayang taong nagiging pundasyon nila sa mga oran ng pighati. Nakakatuwang isiping nung una’y kinakabahan ako, na natural lang naman dahil unang pagkakataong magiging tagapagturo ko kayo, at hindi naman nagtagal ang panahon, marahan akong nakikisabay sa agos ninyo at masayang nakikinig sa bawat leksyong ipinaaalam mo sa amin.
                Sir alam ko pong hindi naman din ito ang huling pagkakataong makikita ko kayo, marahil ito man ang huling liham subalit hindi naman ito ang huling komunikasyong makapag uusap tayo, dahil sa labas nga klasrum, kaibigan ko kayo, mataas pa rin ang respeto at nilulugar ang bawat galaw bilang isang estudyante. Lingid man sa inyong kaalaman subalit nakakamanghang isiping sa kabila ng pakikipagbiruan ninyo sa amin sa loob ng klase o hanbang pagtatalakayan ay may relasyon pa rin ito sa katuturan n gating leksyon, mahirap man sigurong sabihing masaya kayo sa mga performans naming mga estudyante ninyo ay siguradong natutwa rin naman po kayo sa amin.
                Sa bawat pagkakamali, sa pagigigng kwela sa klase, at kung minsan ay wala ang buong pokus naming sa talakayan, alam nnaman naming nagging estudyante rin naman kayo at naranasan minsan ang katamaran sa pag-aaral. Gayunpaman, hindi naman nababawasan ang sinseridad ninyo sa pagtuturo at consistent pa din ang pagnanais ninyong matuto kami.
                Sir, Nakaaalanagan mang isiping masasabi naming mahalaga kayo eh wala nap o kayong magagawa.:) kasi naman, walang dahilan para kayo’y makalimutan na lamang ng ganun-ganun na lang, kaya sir, maraming maraming salamat pos a mga aral at kasiyahang idinulot niyo sa buhay naming, bilang isang estudyante, naransan kong ramdamin ang kaseryosohan ninyo sa pagtuturo… kaya naman sir, sa muling pagchorva!!!:) muah sir! Thanks a lot po! J
               

ang awit ng aking buhay


Hindi maikakaila ang kahiligan nating mga Pilipino sa musika. Mapa banyaga man o local, wala na trayong pinipili basta sabay sa tempo ng ating kagustuhan, patok na ito. Subalit, paano nga ba natin nagugustuhan ang isang kanta? Dahil bas a kahulugan nito o sa ganda ng pagkakagawa o talagang tagahanga ka lang ng gumawa ng kantang yun? Kahit ano pa yan, tila iba-iba an gating kinokonsidera sa pagpili ng mga gusto nating awitin.
                Samo’t saring mga kanta na ang mga nagsulputan ngayon, ni hindi na nga natin alam kung saang istasyon tayo ng radio totono o aling Kanata ba an gating pakikinggan dahil sa dami ng mga pagpipilian. Gayun paman, siguradong may natatanging kanatang humahalina sa atin. Para sa akin, simple lang, ang kantang PORQUE ni Maldita, nung una pa nga’y ayaw ko ang kantang ito dahil hindi ko maintindihan,  Tsabakano kasi, subalit nung itoy mayayari na, may parte palang tagalong, na nag tial mahiwagang lirikong yhindi ko maunawaan ay naintindihan ko na, na sa paulit ulit, hindi ko na naiwasang sabayan ito at tiyempuhan ang taman salitang sinasambit doon. Napapangiti ako habang kumakanta, na sa huli’y nadiskubre kong nagustuhan ko na pala yun.
                Marahil ang salita ang unang pumukaw ng aking atensyon, Napapaisip ako kung ano ang kahulugan sa matitigas na salita sa kantang iyon, hanggang sa yon nga, maintindihan ko. Hindi ko tuloy maiwasang maluha sa isang parte ng kanatang ito na “ bakit ikaw pa ang napili, gayong ang puso ko ay sawi, kay simple lang ng aking hiling, na madama mo rin ang pait at pighati,”. Sa mga kataga pa lamang ay tila inugali ko na nag pagiging ampalaya, tama, dahil yan ang naramdaman ko sa huling relasyong tinahak ko. Hindi man maganda ang aming paghihiwalay, kaysa saktan ko pa siya, salamat kay Maldita at binuo niya ang kantang ito.
                Nagustuhan ko ang kantang ito dahil siyempre, nakakasabay ako sa agos ng bawat salita dito, na hindi naman nating maiiwasang gumawa ng imahinasyong tayo ang nasa sitwasyon at kinakanta ang kantang iyon. Na sa bawat saknong, may parte ng ating buhay na tila nasusuklay at sa bawat  taludtod ay ang mga pangyayaring labis na nagpapaalala sa atin, malungkot man o masaya.
                Maraming nagagwa ang musika sa ating buhay, nariyang nagigigng inspirasyon natin ito, nagiging libangan kapag walang ginagawa, minsan pa nga pinagmumukha tayong tanga nito, sa maraming aspeto tulad ng pinapiangiti tayo nito kahit na nag iisa at sa tuwing walang tayong kadamay sa pag-iyak, hindi ba’t kaysarap lumuha ng may tugtog, lalo na pag senti, pag mayayari na’y biglang tutlo ang luha. Kaya ang musika, hindi kailanman mabubura sa ating buhay, kasabay na ito ng bawat panahong magdaraan.      
               

ang aking karanasan sa Filipino 110Sa bawat pangyayaring nagagansp sa ating buhay, hindi naman maiiwasang magkaroon ang mga ito ng puwang o pagpapahalaga. Kung minsan hindi na natin tinitingnan kung masama o maganda ang mga ikinikintal natin sa ating isipan. At hnidi rin siguro kapani paniwalang wala tayong masasabi kahit papaano sa mga bagay na natahak o naranasan natin. Masasabi kong isang magandang karanasan ang pagkuha ko ng Filipino 110. Bukod sa dagdag kaalaman ay nagkaroon rin ako ng mga bagong kaibigan siyempre at ng bagong gurong naging gabay ko hindi lamang sa bawat leksyon kung hindi kung paano igalang ang isang tulad ko. Masasabi ko ring talaga naming napakasaya ng aking buhay estudyante sa pagtalakay ng Fili 110. Lalo pa nung unang beses na pagpapakilala, na hindi ko lubos maunawaan ang labis ninyong pagtawa pati na rin ng aking mga kamag aral, noon pa lay sa paghawak ko ng pambura ng putting pisara ay ang magiging artipisyal kong bigote na talaga naming lingid sa aking kaalaman. Sa totoo lang, hindi ako nakaramdam ng ni katiting na hiya dahil kahit hindi ko man sinasadtya, sa pagkakataong iyon, naihatid ko naman kayo sa rurok ng inyong kagalakan o kasiyahan. Sa araw araw na talakayan, himalang hindi ako tinatamad sa bawat pagkikita natin, marahil ako’y lubos na nasisiyahan sa mga leksyong may halong mga biro na talaga nga namang pumupukaw ng aking pansin. Siguro’y talagang magaling lang kayong magturo at maaaring sa istilo rin ng inyong pagtuturo. Masaya ako sir na kayo ang naging tagagabay ko sa pagtalakay ng masining na pagpapahayag, naging makulay ang semester ko kasama ang pagtalakay sa retorika. Sinasabi ngang mga karanasan ang bumubuo n gating buhay, ito rin ang nagiging hagdanan natin sa patahak sai ba’t ibang landas n gating buhay. Sa katunayan. Ang mga ito rin ang nagiging pinakamabisang pag aaral sa ating buhay. Kaya sa mga araw at oras na magkakasama tayo, maraming salamat, na naging makahulugan ang baat pahina ng aking buhay, kaya sa sususnod na kabanata

si P-noy para sa mga pinoy


Kasabay ng automated na eleksyon ang pagpili natin ng bagong hihiranging mamumuno sa ating bansa. At ang pinaburan ng karamihan ay si Benigno Simoun Cojuangco Aquino III o mas kilalang Noynoy Aquino. SIya ang inaassahang babago sa estado ng pamumuhay nating mga Pilipino at lubos na inaasahang mag aangat ng karamuhang uhaw at hikahos sa kawawang bansang Pilipinas.
                Tama nga’t anak siya ng inan g demokrasyang si dating pasngulong Corazon Aquino at ang dakilang si Senador Benigno Aquino. Premyado ang kaniyang pamilya, mataas ang pinag aralan at sa magandang Unibersidad nagtapos. Subalit, tama bang ikonsidera na siya ay tulad din ng kanyang ina na talaga naming may pagmamalasakit sa bayan at ang buong puso’y itinaya ng kanayang ama. Dapat nating alalahaning hindi lahat ay namamana, gayun paman, sana’y may maganda siyang plano para sa atin, na hindi tayo nagkamali sa paghirang sa kanya.
                Tayong mga tao, halos ang lagi nating nakikita ay ang pagkakamali ng isang tao, pagpuna sa mga maling hakbang o plano o maging buhay pag ibig na sanay hindi na kailangang bigyan ng pansin. “yan tayong mga Pilipino, basta  tsismis, masagana at tila walang katapusan. Si pangulong noynoy, hindi ba’t mukhang ginagawa naman niya lahat para sa ikakaunlad ng ating bansa? Kaya siya pababalik balik sa iba’t ibang bansa ay para sa ikauunlad din natin, gayong sasabihin pa nating nagpapasarap siya at swerteng naskapupunta sa ibang bansa.
                Kay gandang isiping may dakila tayong pangulo mula sa angkan ng mga bihasa sa mga pulitiko. Marahil nagkakaroon na tayo ng simpatiya at ekspektasyon na  siya’y isang magigigng mainam na ehemplo para sa mamamayang  pilpino. Sa ngayon, marami tayong kumento ukol sa kanyang panunungkulan, kung maganda ba nag kanyang pamamalakad, kung tama bang siya ang pinaboran ng nakakarami, dahil panigurado yung mga taga suporta ng ilang nakatunggali’t pinataob niya ay may nasasabing hindi maganda sa kanya, na kung sila ang naka upo sa pwesto aay mas marahan ang estado, hindi kaya nila alam kung gaano sa isang bansang hindi pa halos laganap ang malawak na kaunawaan ng  totoong kahulugan ng posisyon.
                Kaya naman, sa halip na mga negatibong katangian ang nakikita natin sa ating pangulo, himndi ba’t kay sarap na siya’y pinupuri at ipinagmamalaki. Na isang “bachelor” ang pangulo natin ngayon? Na wala siyang iniinting personal na pamilya. Kundi, nakatuon lamang sa atin, sa asambayanang Pilipino ang buo ng niyang atensyon na may pagnanais na mainam at makahulugang magagamit natin tungo sa tuwid na landas.