Wednesday, October 5, 2011

ang aking pamilya


Sinasabing pinakmaliit na yunit ng pamayanan. Dito nag uumpisa lahat halos ng mga karaniwang katangiang dapat taglayin ng bawat kasapi rito. Sa pangkaraniwang pamilya ng Pilipino, binubuo ito ni Tatay, Haligi ng tahanan, tagagabay pinasyal ay kaalinsabay ni Nanay sa pag aalaga, Si nanay na nagtatanglaw sa mga ank, tagapag bantay at tagapanatili ng kaayusan ng buong bahay, Si ate na siyang gumagabay tuwing wala si Nanay at Tatay, si kuya na nagiging tigasin tuwing wala si tatay, tagagawa ng mga mabibigat na Gawain sa bahay, si Ditche na halili na ate tuwing aasikasuhin sila bunso, si dikong na umaalalay kay kuya na handing tumulong at si bunso na nagsisilbing lakas at nagbibigay kwela sa pamilya. Marami man subalit ito rin karaniwan ang nagiging batayan kung gaano kasigla at kaproduktibo ang isang pamilya.
                Sa bahay namin, Kumpleto pa naman kami sa awa ng Diyos, Masaya kaming namumuhay na kahit magkakalayo man dahil dahil sa iba’t ibang payak na dahilan, nabubuo naman kami tuwing may kasiyahan o pagdating ng pagpapahinga. Si tatay na lagging nakatahimik lang, tila parang piping patingin tingin at nagmamasid lamang sa mga nangyayari, subalit alam naming patuloy siyang gumagabay at naka antambay lamang siya sa mga mangyayari.Sa sobrang kasipagan nga niya ay wala na siyang pinipiling trabaho para lamang sa amin, salamat ‘Tay. Si nanay na halos hindi na nagpapahinga para lamang sa amin, sinabi ngang huwag ng magtrabaho pero mapilit pa rin, kaysa tumanga at maghintay sa bahay eh mas mainam na tumulong para sa ikauunlad ng pamilya, may mga pagkakataong nagsusungit pero diba nga’t para rin naman sa amin yun? Kaya mas magandang tanggapin na lamang lahayt ng nais niyang sabihin hanggang sa siya’y magsawa. Si ate na todo aral sa isang premyadong Unibersidad na kala naming ay siya ang unang tutulong, nagampanan naman niya pero hindi lubusan, dahil nagkaroon na siya ng sariling pamilya. Nakakatuwang isiping sa una ay halos galit pa sila nanay at tatay nung nabuntis si ate subalit halos nung lumabas ang kanilang apo ay para sila naman na ang nagluwal sa sobrang tuwa. Si ditche, nasiya ngayong may pinakamagandang trabaho, buti na lamang at hindi pa nagsasarili, sana’y wag siyang magsawang tumulong sa amin at manatili siya sa maganda niyang trabaho. Si kuya naman na halos araw-araw ay kaaway ko, ramdam ko pa rin naman  ang pagmamahal niya, maaring sa iba niya ito ipinakikita o ipinararamdam na alam ko naman. At yung dalawang bugok kongk apatid, palibhasa’y mga bata pa kasi, kaya kailangang ibigay pa lahat ng luho, na karaniwan laruan.
                Sa pamilya naming, tila ito’y kumpleto rekados na, kasi iba’iba kami ng personalidad na siyang nagpapakilalang lubos sa amin. Sa bawat araw, hindi naman tayo nawawalan ng pagsubok dahil ika nga kung walang pagsubok sa buhay, eh hindi buhay ang tawag dun, kumbaga’y walang “thrill”, kaya samga pagkakataong nakakaharap naming ang mga ito, hindi naming itinatanog sa maykapal kung bakit naming ‘yon nararanasan dahil ang pinalauna sa lahat, hindi naman tayo nagtatanong kapag masagana nating tinatamasa ang kasaganahan ng buhay. 

2 comments:

  1. Wynn Hotel Las Vegas and Encore - JT Marriott
    Property Location With a stay at Wynn 전라북도 출장샵 Las Vegas and Encore 경기도 출장안마 in Las Vegas Strip, 광주광역 출장마사지 youll 김천 출장샵 be steps from Fashion Show Mall and 5 minutes by foot from Fashion Show 양주 출장샵 Mall.

    ReplyDelete