Wednesday, October 5, 2011

ako bilang isang bagay


  “Kaysarap mabuhay ng may saysay at kwenta”, yung tipong  alam mong may dahilan ka kung bakit ka nabubuhay at hindi ka lang isang bagay na ipinakat sa mundong ibabaw bilang isang palamuti. Buti pa tayong mga tao, nilalang na may puso , pakiramdam at damdamin, pusong minsa’y nagiging marupok pagdating sa pag-ibig, pakiramdam na kailangang pang katukin mabuti dahil kung minsan, gaano ka man kagaling magparamdam sa isang tao, kung manhid talaga siya, mahirap ipilit ang sa iyo, at lalo na ang damdaming  kayhirap paliwanagan, na nagiging tama ang mali, at pwede ang hindi.
Ako, bilang isang  bagay, maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang simpleng payong. Malaki ang kapakinabangan at naitutulong sa sinusukuban, sa mapanilaw na sinag ng araw, sa matinding pagbayo ng ulan o paiba iba mang klimang ipinararanas dito sa bansang Pilipinas. Gayundin naman ang ibat-ibang klase nito, sa pagbukas nito, may iba’t-ibang paraan, kahit naman sa paggamit nito, hindi naman kinakailangang wagas ang pagbubukas, dahil makukuha naman ito sa dahan dahan.
May napakagandang kathang nabuo nga sa isang konbersasyon, na ang pag-ibig daw ay parang payong. Kung puno na ito, bakit ipagsisiksikan mo pa ang iyong sarili gayong pwede ka naman tumakbo, ayaw mo lang kasing mabasa! Habang ang isa’y eh bakit kailangan pa nating magpakabasa sa ulan gayong babalikan naman tayo ng may payong.kailangan lang nating maghintay! At heto pa ang isa, bakit naman ako maghihintay sa isang payong na alam kong hindi lang naman ako ang gustong pasilungin? Mga salitang may nais ipabatid, na sa lawak ng kanilang imahinasyon, ultimo payong ay nagawan nila ng makabuluhan at makahulugang konbersasyon.
Buti na lamang at inihahalintulad nalang natin an gating mga sarili dsa m ga bagay. Paano na lang kaya kung talagang tayo ay may mga bagay na? marahil aang karamihan ay hindi masisiyahan dahil sa kawalan ng puwang o pansin lalo naa ng kapwa natin. Hindi man natin pinilit SIYA na tayo’y gawing tao, marahil may mainam siyang dahilan kung bakit tayo, sa ating mga pagkatao at karakter bilang kwalipikadong tao. Hindi ba’t kay sarap isiping Malaya tayo at may sariling pag papasiya sa mga kagustuhan natin?  Na binigyan niya tayo ng importansya at pakakahalagahan na sa lahat ng bagay, tayo ang kaniyang hiningahan at binigyang buhay.



No comments:

Post a Comment