Wednesday, October 5, 2011

sampung taon, heto na ako


                Masarap mag-aral, may kanya kanya tayong persepsyon at pananaw kung bakit tayo nag-aaral. Marahil ang ilan ay malaking baon lamang ang habol, pero sa akin, personali, hindi ako tumitingin sa kung magkano o kung gaano kalaki ang nauubos ko sa bawat pagpili o pagkonsumo ko ng isang bagay, hangga’t ito’y magiging kapaki-pakinabang, masarap maglustay ika nga kapag may katuturan.
                Hindi naman din ako bumibilang kung gaano na ako katagal sa pag-aaral, hangga’t hindi ako nagiging dalubhasa ay ipagpapatuloy ko kung ano man dapat ako paglipas ng sampung taon, pero dahil na rin sa praktikal na pamumuhay, hindi na rin maiwawaglit sa ating isipan kung ano ang kahihinatnan natin, marahil nagiging madali ang bawat hakbang sa atin para sa pag abot ng ating mga minimithi, subalit hindi ba’t mas masarap sap akiramdam kung talaga naming paghihirapan ang isang bagay? Kaysarap namanamin ng kasaganahan kung ito’y pinaghihirapan.
                Masasabi kong magiging isang matagumpay na mamamahayag ako. Hindi man premyado subalit kinikilala, hnidi man lagging pinahahalagahan subalit may pangalan. Hindi man ako maging isang ganap na mamamahayag, marami naman itong kinakapatid o pininsang trabahong pwede ring mapagtagumpayan. Kundi man magkagayon, hinihiling ko lang ang isang masaganang buhay, hindi marangya dahil may kakuntentuhan ako, na sa pagiging literal na mayaman ay iyon ang nagiging sukatan kung ano ka at estado mo sa komunidad.
                Una naman sa lahat ay pagtulong sa mgatumulong na hnidi nagsawang tumulong din naman sa’yo. Siyempre, pamilya ang unang makakalasap ng sweldo  ika nga, dahil sa mga paghihirap nila para lang matustusan ka sa pag aaral, pangalawa na lang sa aking ang aking sarili, hangga’t kayang magtiis kakayanin, at hindi naman habang buhay ay ikaw lamang ang tutulong sa pamilya mo siyempre.  At bilang praktikal na rin, para sa aking hinaharap, sa magiging anak ko, opo, sa mga magiging anak ko dahil kahit ganito ako, may pangarap rin naman ako sa hinaharap, ayoko kasing magmukhang kawawang nag-iisa o dili kaya’y walang mag alaga sa akin pagdating ng panahon.
                Sana, sa pagtatapos ko ng kolehiyo ay makahanap agad ako ng angkop na trabahong may saysay naman ang kursong kinuha ko, ayaw ko kasing magpatumpik tumpik na tanggapin lamang kung alin ang abeylabol kundi yung trabahong pinaghandaan kong mabuti. Hindi naman sa pagiging mapili kundi gusto kong maranasan ang talagang magiging trabaho ko pagkatapos ko sa kursong ito. Sa totoo nga lang, gusting gusto ko ng tumapak sa opisina’t gumawa ng iba’t ibang report para siyempre para kumita narin ako ng sarili kong pera, hindi man kalakihan tatanggapin ko, dahil bilang isang baguhan, kailangang maging praktikal lalo na sa panahon ngayon na tila nagkakaubusan na ng trabaho, kaya naman, ibayong pagsisikap ang kailangan para sa mainam na pamumuhay.

No comments:

Post a Comment