Wednesday, October 5, 2011

ang aking karanasan sa Filipino 110Sa bawat pangyayaring nagagansp sa ating buhay, hindi naman maiiwasang magkaroon ang mga ito ng puwang o pagpapahalaga. Kung minsan hindi na natin tinitingnan kung masama o maganda ang mga ikinikintal natin sa ating isipan. At hnidi rin siguro kapani paniwalang wala tayong masasabi kahit papaano sa mga bagay na natahak o naranasan natin. Masasabi kong isang magandang karanasan ang pagkuha ko ng Filipino 110. Bukod sa dagdag kaalaman ay nagkaroon rin ako ng mga bagong kaibigan siyempre at ng bagong gurong naging gabay ko hindi lamang sa bawat leksyon kung hindi kung paano igalang ang isang tulad ko. Masasabi ko ring talaga naming napakasaya ng aking buhay estudyante sa pagtalakay ng Fili 110. Lalo pa nung unang beses na pagpapakilala, na hindi ko lubos maunawaan ang labis ninyong pagtawa pati na rin ng aking mga kamag aral, noon pa lay sa paghawak ko ng pambura ng putting pisara ay ang magiging artipisyal kong bigote na talaga naming lingid sa aking kaalaman. Sa totoo lang, hindi ako nakaramdam ng ni katiting na hiya dahil kahit hindi ko man sinasadtya, sa pagkakataong iyon, naihatid ko naman kayo sa rurok ng inyong kagalakan o kasiyahan. Sa araw araw na talakayan, himalang hindi ako tinatamad sa bawat pagkikita natin, marahil ako’y lubos na nasisiyahan sa mga leksyong may halong mga biro na talaga nga namang pumupukaw ng aking pansin. Siguro’y talagang magaling lang kayong magturo at maaaring sa istilo rin ng inyong pagtuturo. Masaya ako sir na kayo ang naging tagagabay ko sa pagtalakay ng masining na pagpapahayag, naging makulay ang semester ko kasama ang pagtalakay sa retorika. Sinasabi ngang mga karanasan ang bumubuo n gating buhay, ito rin ang nagiging hagdanan natin sa patahak sai ba’t ibang landas n gating buhay. Sa katunayan. Ang mga ito rin ang nagiging pinakamabisang pag aaral sa ating buhay. Kaya sa mga araw at oras na magkakasama tayo, maraming salamat, na naging makahulugan ang baat pahina ng aking buhay, kaya sa sususnod na kabanata

No comments:

Post a Comment