Wednesday, October 5, 2011

introduksyon ng aking sarili


                Madaming paraan para ipakilala ko aking sarili, pero mas mainam sigurong wag nako maghanap pa, dahil mas masarap iintrodus ang sarili sa kung paano mo lamang ipinakikilala ang iyong sarili sa isang kaibigan. At dahil guro ko kayo at tinuturing kaibigan, masasabi kong maihahayag kop o sa inyong mabuti ang aking sarili partikular sa mga aspeto ko sa buhay, pananaw sa hinaharap at kahit ang ilang personal na pagkakakilanlan ko.
                Tatlumpu’t limang kilometro ula sa CLSU, Mula sa “tricycle capital” ng Pilipinas  at kailan lang sinalanta ng bagyo, kung saan din ginaganap ang taunag Longganisa Festival at sinasabi ring isa ng “Highly Urbanize City”, na kahit wala pang taxi, ang Cabanatuan City! Masuwerteng iniluwal ni Marites Santos at Benny Pangilinan, na mula rin naman sa nakagisnang lungsod. Anim na  magkakapatid at nag iisang nalihis sa buong angkan. Siyempre, si Kevin Pangilinan, 18 taon pa lamang  na ngayon ay kumukuha ng Bachelor of Arts in Development Communication ditto sa Pampamahalaang Pamantasan ng Gitnang Luzon. At gayong rito ay ang Lungsod Agham ng Munoz, ako kasalukuyang tumutuloy sa Acacia Residence Hall, Dormitoryo para sa mga lalaki???:).
                Hindi na  ako magpapaligoy ligoy pa, Lubos ang aking pasasalamat sa aking mga magulang na nung una ay nagkaroon pa ng pag aalinlangan na ako’y buhayin. Gusto ko lamang pong ipa alam sa inyo na tinangka ako o talagang ipinalaglag ako ng aking mga magulang nung ako ay nasa sinapupunan pa lamang, na sa plano nilang 3 anak lamang, na sa hindi inaakalang pagkakataon ay nagging x2. Kaya ngayon, anim na kami. Dalawa otatlong bese akong tinangkang ipalaglag subalit sadya talagang makapit ako, hindi man lang ako makabitaw sa kalamanan ng akinhg ina, gayunpaman, wala na ytalaga silang magagawa para sugpuin ako at ipakait sa akin ang mundo, kaya naman, simbahana ang kanyang tinungo para sa isang mataimtim na dasal na nagsasabing sana’y walang mangyaring masama sa akin at tatanggapin ako kung ano man ako paglapas basta huwag lang may diperensya o depekto sa akin. At talaga nga naming may awa ang Diyos, hinayaan niya akong masaksihan ang kagandahan ng lugar na nilaan niya para sa atin.
                Gayunpaman, hindi ako galit o ni katiting na tampo sa aking mga magulang, sa totoo nga, hindi ko akalaing matatanggap nila ako sa kabila ng paiba ibang ugali ko, Ganun kasi ako, sinasabing “moody” o wqalang permanenteng ugali. Hindi minsan maintindihan dahil sa yun nga, kaugalian ko. Lubos din akong nagpapasalamat dahil wala akong nararamdamang sakit o pagkalumo sa ngayon, dahil hindi rin naman ako magtataka kung sa hinaharap ay lumabas lahat ng maaring epekto ng ginawa nila akin. Kaiyak, at sa ngayon, hindi naman ako nagiisip ng masama, dahil ang intension ko lamang ay magpabatid ng kaalaman sa personal kong buhay… kaya naman, secret lang po a…baka malaman nila…J Salamat po.

No comments:

Post a Comment